Sa loob lang ng 2 minuto Cayetano nakalusot bilang incoming DFA Secretary

Tumagal lamang ng dalawang minuto ang naging pagsalang ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay Sen. Alan Peter Cayetano para sa confirmation process ng kaniyang DFA post.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, wala namang kumuwestyon kay Cayetano, mula sa panig ng Senate at House contingent.



Paniwala ng ilan, ang pagiging dating miyembro ng CA ng incoming DFA secretary ang isa sa nagpadali ng proseso.

Ang kapalaran ng magiging bagong kalihim ay kabaliktaran ng sinapit ng kaniyang papalitan sa DFA na si dating Sec. Perfecto Yasay na na-reject ng makapangyarihang lupon.

No comments:

Powered by Blogger.