Chief Bato Dela Rosa kinompronta ang 2 Police Mandaluyong na walang habas na nambugbog

Humarap kay Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Ronald Dela Rosa at kinompronta ang dalawang pulis sa Mandaluyong na walang habas na nambubugbog ng mga lumalabag sa ordinansa ng barangay. 

Chief Ronald Dela Rosa file photo
Matapos mabatid ni Dela Rosa ang insidente at makita ang video ng pambubugbog nina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez, agad itong nagtungo sa Mandaluyong Police Station para harapin ang dalawang pulis at hindi napigilan na magalit sa mga ito.
PO1 Jose Julius Tandog

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt Dionardo Carlos, agad na ipinag-utos ng PNP chief ang pagsibak sa puwesto sa mga ito.

Watch: Mandaluyong Police Brutality nakunan ng video

Dinisarmahan din ang dalawang pulis at kasalukuyang nasa PNP Holding and Accounting Unit ng Kampo Crame habang hinahanda ang kakaharaping kasong . 

Watch: Mandaluyong Police Brutality nakunan ng video

Kinumpirma naman ng PNP chief na anumang oras ay ipapadala ang dalawang pulis sa Marawi City para tumulong sa nagpapatuloy na giyera laban sa mga teroristang Maute.

                                                                                     
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.