Isnilon Hapilon di pa nakalabas ng Marawi, Opensiba ng militar laban sa ISIS-Maute terror group ibinalik

Nasa loob ng Marawi pa ang Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), si Hapilon ay itinalagang emir ng ISIS sa Asia region.

May mga naiulat noong nagdaang araw na umano’y nakalabas na ng Marawi si Hapilon bagay na hindi pa makumpirma ng mga otoridad.
Wanted: Isnilon Hapilon

Sinabi ngayong umaga ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituo Padilla, nakatanggap din sila ng mga ganung impormasyon pero hangga’t wala pang validation, ipinagpapalagay pa rin nilang nasa loob pa si Hapilon.

Samantala, inihayag ni Gen. Padilla na maaga pa kanina, bandang alas 4 ng madaling araw nang magsimula uli ang putukan o opensiba ng militar laban sa ISIS-Maute terror group pagkatapos ng ipinairal na humanitarian ceasefire kahapon.



Inihayag ni Padilla na puspusan ang kanilang gagawing operasyon para matapos na ang krisis sa Marawi sa lalong madaling panahon. 

Ang ipinatupad ng tigil-putukan ay pagpapakita ng gobyerno at militar ng pagrespeto at pakikiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.