Jessie Carlos lone gunman sa Resort’s World attack

Inilabas ng Philippine National Police (PNP)ang nag-iisang gunman na nanloob sa Resorts World Manila. Ang pangyayari ay nagresulta ng pagkamatay ng labing pito (37) tao, nakasugat ng 54 katago.

Ito ay resulta sa pananaliksik sa CCTV footage na inilabas ng namamahala sa Resorts World Manila.

Ayon sa PNP, nakausap na ng mga pulis ang mga kamag-anak at pamilya ng suspek.

Kinilala ang suspek na si Jessie Carlos, 42, siya ay dating empleyado ng Department of Finance at residente ng San Lazaro, Sta Cruz, Maynila ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde
Jessie Carlos lone gunman Resort’s World attack


Sinabi ni Albayalde na batay sa kanilang isinagawang backtracking at follow up operations kanilang nabatid na may financial problem ang suspek dahil baon umano ito sa utang bunsod sa pagkakalulong nito sa casino.

Kinumpirma ni Albayalde na ibinenta ng suspek ang kaniyang sasakyan at ilang mga properties dahil sa pagiging sugarol na nito.

Naging sanhi din daw ito sa pagkakahiwalay nilang mag-asawa.


Kwento ni Albayalde, sinibak sa trabaho si Carlos dahil sa ilang mga maanomalyang transaksiyon.

Napag-alaman na may utang ito na P4 million bukod pa sa ibang pagkakautang nito.

Inihayag ni Albayalde na kaninang alas-5:30 ng umaga nang magtungo ang kaanak ng suspek at kinausap ng Special Investigation Task Group.

Kanila umanonh kinumpirma na ang suspek nva ay si Jessie.
Before                    and                 After


Muli namang binigyang-diin ni Albayalde na ang insidente ay walang kinalaman sa terorismo.

Inihayag pa ni Albayalde na batay sa kahilingan ng mga kamag-anak, pinagbawalan siya ng PAGCOR na makapasok sa mga casino.

Isang umanong high roller player si Carlos kung saan ang taya nito ay aabot hanggang P40,000 pero hindi naman siya frequent player ng Resorts World.

“Depressed na depressed” naman daw ang asawa ng suspek na nakilalang si Jen Carlos.

Tatlo ang anak ng gunman na may edad 17, 10-anyos at walong taong gulang na bunso.

Samantala, humihingi naman ng patawad ang tatay ni Jessie sa mga biktima dahil sa ginawa ng kaniyang anak

Kasabay nito, nagpaabot din sya ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng mga nasawi.

No comments:

Powered by Blogger.