Nasaan ang Pangulo? Palasyo naglabas ng larawan ni Duterte, patunay na OK ang kalagayan

Nasaan ang Pangulo? Para mapawi ang pangamba ng ilan kaugnay sa kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ilang pagdududa sa matagal nitong walang public appearance o public engagement simula pa noong Lunes, naglabas ngayon ng larawan ang Malacañang na nagpapakitang abala ang pangulo sa paper works sa kanyang working desk sa Bahay Pagbabago o dating Bahay Pangarap sa PSG Compound.
Pres. Duterte on papers works @ working desk



Kinumpirma ng Content and Messaging ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na kuha ang larawan ni Pangulong Duterte bago mag-alas sais ngayong gabi.

Pres. Duterte with Bong Co
May kuha ding larawang kasama ni Pangulong Duterte si Special Assistant to the President Cristopher “Bong” Go.
Makikita sa katabing telebisyon o background ang pinanonood ng pangulo na local TV channel at ang crawler headline kaugnay ng nangyaring sunog sa Grenfell Tower sa London.

Magugunitang sinabi ng Malacañang na kailangan ni Pangulong Duterte ng mahaba-habang pahinga dahil sa tuloy-tuloy na field work nito simula noong pumutok ang gulo sa Marawi City at magdeklara ng Martial Law sa buong Mindanao.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.