NPA inatake ang Maasin Iloilo Police Station, pulis pinosasan. NAKUNAN NG VIDEO

LOILO CITY – Pinasok ng New People’s Army (NPA) ang Maasin Municipal Police Station sa lalawigan ng Iloilo.

Sa panayam ng kay Maasin Vice Mayor Francis Amboy, sinabi nito na humigit kumulang sa 70 mga NPA ang pumasok sa istasyon ng pulisya Unang pumasok sa himpilan ang mga babaeng rebelde kung saan nagpanggap umano ang mga ito na magpapa-blotter.
Makalipas ang ilang minuto, tinutukan ng .45-caliber pistol ang mga pulis na naka-duty sa nasabing istasyon. Lingid sa kanilang kaalaman, nag-aantay na pala ang iba nilang miyembro na nakasakay sa elf truck.

Kasunod nito, pinosasan ng mga rebelde ang mga pulis at ang mga natitira nilang miyembro na nakasakay sa elf truck ay nagbabaan at pumasok sa istasyon ng pulis. Nang masiguradong, nakaposas na ang lahat ng mga pulis, kinuha ng mga rebelde ang kanilang mga baril.

Ginamit pa na get away vehicle ng mga rebelde ang patrol ng pulis at pumunta sa bayan ng Alimodian, Iloilo. Samantala, inamin grupo na Coronacion “Waling-Waling” Chiva Command-Panay Region na kasamahan nila ang umatake sa Maasin PNP.

Inalerto naman ni Senior Superintendent Christopher Tambungan, hepe ng directorial staff ng Police Regional Office (PRO6), ang mga karatig na istasyon ng pulisya kasunod ng insidente.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.