P370-M halaga ng armas na assault, sniper rifles tinanggap ni Duterte mula China

Personal na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang military assistance gratis mula sa Ministry of National Defense ng People’s Republic of China.
Mismong si Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang nag-turn-over sa mga baril na kinabibilangan ng 3,000 units ng assault rifles na may kasamang limang milyong ammunitions at 90 units ng sniper rifles na may 500,000 mga bala. 

Nagkakahalaga ito ng kabuuang 5 million yuan o katumbas ng P370 million. Sinabi ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Año, malaking bagay ito sa kampanya ng Pilipinas laban sa terorismo. Ayon naman kay Amb. Zhao, may susunod pang batch ng military package na ibibigay ng Chinese government sa Pilipinas bilang patunay sa magandang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa. 

Inihayag ni Zhao na ang terorismo ay kalaban din ng China at handa silang tumulong sa paglaban rito ng Pilipinas.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.