Pinawi ni Pres. Duterte ang mga negosyante na 'wag matatakot sa Martial Law

Pinawi ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang economic team ang pangamba ng business sector sa posibleng pagkakaabuso ng Martial Law sa Mindanao.

Magugunitang ilang investors ang nagpahayag ng concern sa deklarasyon ng Pangulong Duterte at maaaring makaapekto raw sa ekonomiya ng Pilipinas.

Pres. Duterte at ang mga negosyante


Sinabi ni Pangulong Duterte, kung kakayanin ay bibilisan ang pagpapanumbalik ng normal na kalakaran sa Mindanao lalo sa Marawi City na inatake ng Maute terror group.

Ayon kay Pangulong Duterte, sakaling matapos naman sa loob ng isang linggo ang karahasan sa Mindanao, ikinalulugod niyang bawiin ang Martial Law sa rehiyon.

Sa pahayag ng Pangulong DUterte. :“That is why I said, we must be fast and restore normalcy. If it can be done one week, I’d be very happy. But if it would take me until the end of my term to see that Mindanao is safe for everybody, I will do it,”.
Sa panig naman ni Finance Sec. Sonny Dominguez, kampante silang mananatili ang economic growth momentum ng bansa sa kabila ng umiiral na Batas Militar sa Mindanao.

Inihayag ni Sec. Dominguez na walang dapat ikabahala ang mga investors sa Martial Law lalo pa’t kontrolado ng militar ang mga government installations at pangunahing imprastruktura sa Mindanao.

“The economy is no way threatened by the imposition of martial law. The military is in full control of the government installations and major infrastructures on the island,” ani Sec. Dominguez.

No comments:

Powered by Blogger.