Pahalagahan ang sakripisyo ng ating mga bayani sa pagiging mabuting mamamayan - Pres. Duterte
Sa ika-119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, hinikayat ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanang Pilipino na pahalagahan ang sakripisyo ng ating mga bayani sa pagiging mabuting mamamayan.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na isa lamang ito sa maaaring gawin para masuklian ang kanilang mga pagpapakasakit para sa bansa at matamasa natin ngayon ang isang maunlad at masaganang Pilipinas.
Ayon sa Pangulong Duterte, kaisa siya sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kung saan mahigit isang siglo na ang nakakaraan ng magbuwis ng buhay ang ating mga bayanui para sa minimithing kasarinlan.
Iginiit ng pangulo na hindi naging madali ang laban at paglalakbay tungo sa kalayaan dahil dugo, pawis at buhay ang inialay ng ating mga ninunong puno ng pagmamahal at tatag ng kalooban.
“Sa araw na iyon ay ipinakita natin sa mga mananakop at sa buong mundo ang tibay ng ating paninindigan bilang Filipino. Nararapat lamang na ating pahalagahan ang mga sakripisyo ng ating mga bayani sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan,” ani Pangulong Duterte. “Isa lamang ito sa mga maaari nating gawin upang masuklian ang kanilang pagpapakasakit para sa bansa upang matamasa natin ngayon ang isang maunlad at masaganang Pilipinas.”
Bigo namang makasipot ang Pangulong Duterte sa ginanap na flag-raising ceremony event sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.
Sa halip, ipinadala ng pangulo si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano upang samahanan si Vice President Leni Robredo sa pagtataas ng watawat ng bandila ng Pilipinas kaninang alas-8:00 ng umaga.
Bago ito, nitong nakalipas na weekend ay nag-abiso rin ang Malacanang na kinakansela ang tradisyunal na Independence Day vin d’honneur para sa mga ambassador dahil sa abala umano ang presidente sa pagbibigay atensiyon sa krisis sa Marawi na eksaktong nasa ika-20 araw na ngayon.
Samantala sa bahagi naman ng Kawit, Cavite kung saan batay sa kasaysayan doon unang iwinagayway ang bandila ng Pilipinas ay si Sen. Panfilo Lacson kasama si Tourism Sec. Wanda Teo ang nanguna sa flag raising rites.
Sa bahagi naman ng Marawi City, nabigo ang mga otoridad sa kanilang self-imposed timeline na sa araw ng kalayaan ay mapapalaya na ng tuluyan ang lungsod sa mga terorista.
Sa Marawi City ay paminsan-minsan ay maririnig pa rin ang manakanakang putukan.
Pero hindi pa rin ito naging sagabal para hindi ituloy ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas na ginanap sa kapitolyo ng Marawi.
Kahapon pa ay naging abala na ang PNP ARMM sa paglalagay ng maraming mga bandila upang magsilbing inspirasyon para sa mga sundalo at pulis na patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga terorista.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte na isa lamang ito sa maaaring gawin para masuklian ang kanilang mga pagpapakasakit para sa bansa at matamasa natin ngayon ang isang maunlad at masaganang Pilipinas.
Ayon sa Pangulong Duterte, kaisa siya sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kung saan mahigit isang siglo na ang nakakaraan ng magbuwis ng buhay ang ating mga bayanui para sa minimithing kasarinlan.
Iginiit ng pangulo na hindi naging madali ang laban at paglalakbay tungo sa kalayaan dahil dugo, pawis at buhay ang inialay ng ating mga ninunong puno ng pagmamahal at tatag ng kalooban.
Philippine flag, Happy Independence Day |
Bigo namang makasipot ang Pangulong Duterte sa ginanap na flag-raising ceremony event sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.
Sa halip, ipinadala ng pangulo si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano upang samahanan si Vice President Leni Robredo sa pagtataas ng watawat ng bandila ng Pilipinas kaninang alas-8:00 ng umaga.
Bago ito, nitong nakalipas na weekend ay nag-abiso rin ang Malacanang na kinakansela ang tradisyunal na Independence Day vin d’honneur para sa mga ambassador dahil sa abala umano ang presidente sa pagbibigay atensiyon sa krisis sa Marawi na eksaktong nasa ika-20 araw na ngayon.
Kabataan pag-asa ng bayan |

No comments: