Balikatan Exercise isinagawa ng malapit sa Benham Rise

Nagpapatuloy at nagpakitang gilas ang mga sundalong Pinoy at Amerikano sa isinagawang naval at aerial drill sa karagatan ng Casiguran probinsya ng Aurora malapit sa Benham Rise.

Sentro ng aktibidad na may temang Civil-Military Activities from the Sea (CMAS) ay humanitarian assistance and disaster response.

Ayon kay Balikatan 2017 spokesperson Maj. Frank Sayson ay layon ng joint exercises sa pagitan ng mga sundalong Pinoy at Kano ay para ipakita ang koordinasyon at mabilis na pagbibigay ng tulong sa mga residente na apektado ng kalamidad.

Bukod sa pagpapakita ng mga capabilities na gagamitin sa humanitarian assistance disaster response (HADR) lalo na ang mga barko at aircraft.



Kabilang sa kalahok sa joint naval at aerial drill ang barko ng Philippine Navy ay ang BRP Tarlac, dalawang landing craft utility habang ang barko ng Estados Unidos ay ang USNS Sacagawea na isang logistic vessel.

Kalahok din ang black hawk at ang mga Osprey aircraft.



Nasaksihan kanina ang pag off load o pagbababa ng relief items, medical supplies, at medical personnel kabilang na ang mga doctor at nurses ng Pilipinas at Amerika, mula sa strategic sea lift vessel na BRP Tarlac.



Dagdag pa ni Sayson, ipinakita kanina ang tinatawag na ship to shore assistance, na kahit walang pantalan ay kayang makapaghatid ng tulong sa mga isolated na bayan at barangay sa Aurora Province sa pamamagitan ng Landing Craft Utility ng Philippine Navy.

Ang Casiguran ay isa lamang sa mga liblib na bayan sa eastern seaboard na karaniwang dinadaann ng malalakas na bagyo mula sa dagat Pasipiko.

No comments:

Powered by Blogger.