Pres. Duterte magdeklara rin ng martia law sa Visayas, Luzon kung sakaling kumalat ang pangugulo ng terorista
Sa pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao ni Pres. Duterte, kinakailangan magpunta sa Kongreso at magsumite ng “written report” sa loob laman ng 48 oras pagkatapos niyang ideneklara habang nasa Moscow, Russia siya.
Pero sinabi rin ng Pangulong Duterte na maaring hindi na humarap sa Kongeso ang Pangulo dahil pwede itong gawin sa “in writing.”
(Pagdating ni Pres. Duterte)
Ayon sa Pangulong Duterte, layunin lang talaga ng Martial Law na maibalik ang “law and order” sa bansa lalo sa Mindanao at hindi niya hangaring magkaroon ng karahasan.
“Yes… no, in writing, in writing. Hindi na ako pupunta doon because I can do it in writing. I have to go home. Remember, 48 hours. Look what is really the irony of life. So I signed it. And I said, done in the Russian Federation. It’s a place, I was there. So I cannot—done in the City of Manila, Philippines. Eh nandoon ako. But declaring martial law, tinawagan ko muna si Guevarra, si Secretary Guevarra. Sabi ko, i-announce mo na, eh napirmahan ko na eh. But done in the Russian Federation this 23rd day of May in the year of our Lord [2017]. We do not want violence. Purpose there is to maintain law and order. I’m sure the military hate and the police hate killing their own countrymen,” ani Pangulong Duterte.
Kasabay nito, inamin ni Pangulong Duterte na maliban sa Mindanao, pinag-iisipan din nitong suspendihin ang writ of habeas corpus sa Visayas region.
Ipinaliwanag ni Pangulong Duterte na bahagi ito ng estratehiya para masawata ang posibleng pagkalat ng karahasan o ‘spill-over’ sa labas ng Mindanao.
No comments: