Pilipinas gustong palitan ng pangalan ni Rep. Gary Alejano

Kasabay ng ika- 119 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas naghain ng panukalang batas si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano para bumuo ng isang komisyon na mag-aaral para palitan ang pangalan ng ating bansa at magkaroon ng totoong identity ang mga Filipino.
Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano


Sa ilalim ng House Bill No. 5867, nais ni Alejano na magtatag ang gobyerno ng Geographic Renaming Commission para palitan ang pangalan ng Pilipinas.

“For the purpose of the Act the reason for rena­ming our country is to throw away the vestiges of colonialism, to establish our national identity and to define how our nation, our people and nour national language will be addressed internatio­nally,” panukala ni Alejano.

Ayon sa mambabatas, maraming bansa na sinakop ng ibang bansa ang bumalik sa kanilang pre-colonized name habang ang Pilipinas ay pinanatili ang pangalan na ibinigay ng mga Kastila.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.