Dahil sa pag-atake ng Maute group sa Marawi city, Martial Law idineklara sa buong Mindanao
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Martial Law sa buong rehiyon ng Mindanao sa loob ng 60 araw.
Inutos ni President Duterte ang martial law sa Mindanao sa loob ng 60 na araw, matapos ang engkwento ng tropa ng gobyerno at ang tereristang Maute gruop sa Marawi City.
Kahit na nasa bansang Russia ngayon ang presidente sinubaybayan pa rin ng pangulo ang nagaganap sa operasyon ng tropa ng gobyerno sa naturang lugar ayon kay Presidential spokeman Ernesto Abella
Nilinaw ni Abella na may mga intelligence report silang nakalap na hindi lamang sa Marawi nagkakaroon ng presensya ng mga terror group maging na rin sa ibang mga lugar.
Sa utos ng 1987 Philippine Constituition sa Article VII Section 18 nakasaad sa batas na may karapatan ang isang pangulo, bilang commander-in-chief na magdeklara ng Martial Law na may maximum na araw na 60 days.
Sa nasabing batas ng Pilipinas kinakailangan na ipaalam ng pangulo sa kongreso sa loob ng 48 na oras ang dahilan ng kaniyang pagdeklara nito.
Tiniyak naman ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na tuloy ang paglagda sa mga agreements kasama ang kanyang Russian counterparts.
Magpapaiwan din daw si Sec. Cayetano habang mauna ng babalik ng Pilipinas si Pangulong Duterte para tutukan ang sitwasyon sa Mindanao.
“I have spoken to our — to my counterpart here in Moscow and have explained the situation and they understand that the security of the Filipino people especially in Marawi and the whole Mindanao is a priority. They understand that the presence of the President — of President Duterte is essential in the Philippines but I will be staying behind. The agreements will be signed and we will have a bilateral meeting with the Honorable Minister of Foreign Affairs Lavrov,” ani Cayetano.
Nauunawaan naman daw ng Russian counterparts ang desisyon ng pangulo at suportado ang kanyang hakbang para maresolba ang terorismo lalo sa Marawi City.

Philippine Troops hunting Maute group in Marawi. |
Philippine President Rodrigo Duterte. |

No comments: