Filipino boxing champion Pacquiao di umaatras sa heavy training na binigay ni Roach

Nagsimula na ang mabigat na training ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao bahagi pa rin ng paghahanda sa laban niya kay Jeff Horn sa buwan ng Hulyo sa Australia.

Ito ay kasunod ng pagdating sa bansa ng kaniyang chief trainer na si Freddie Roach mula sa Los Angeles.

Pacquiao heavy training with Coach Roach


Mula noong Mayo 8 ay sinimulan na ng figthing senator ang light training at inaasahan naman na darating ang dalawa pang sparring mate ni Pacquiao.

Bagamat hanga si Roach sa mabilis na panunumbalik ni Pacquiao sa kaniyang bilis ay nakukulangan pa rin ito dahil sa itinuturing niyang delikadong kalaban si Horn.

No comments:

Powered by Blogger.