Bahay na pinagpupulongan nina Hapilon at Maute brothers tukoy na

Alam na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung sino ang nagmamay-ari ng bahay na pinagpupulongan nina Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon at Maute brothers galing sa nakuhang video ng militar.
Mga terorista. Isnilon Hapilon at Maute brothers 

Makikita sa naturang video  ang magkapatid na Omar at Madie Maute na nagdidikusyon kaugnay sa kanilang magiging deployment habang si Hapilon ay nakikinig. Pinag-uusapan ang paglusob sa Marawi habang ang plano ay nakalatag sa likod ng isang kalendaryo.

Ayon kay AFP chief of staff General Eduardo Año, kasama sa inilabas na arrest order ang may-ari ng nasabing bahay bagama’t tumanggi itong isapubliko ang pangalanan.

Narekober ng militar ang video nang salakayin ng mga sundalo ang bahay na pinagkukutaan ni Hapilon sa Marawi City.

No comments:

Powered by Blogger.