Video sa pagpaplano ng pag-atake ng Maute group at ng Abu Sayyaf sa Marawi city.

Lumabas na ang video ng pagpaplano umano ng Maute group at Abu Sayyaf ng pag-atake sa Marawi.

Kamakailan ay lumabas ang isang video kung saan mapapanood ang grupo ng mga terorista na pinangungunahan ni Abu Sayyaf Group leader Isnilon Hapilon habang pinaplano ang pag-atake sa lungsod ng Marawi.


Sa video na ibinahagi sa Associated Press (AP), makikita ang grupo ng kalalakihan na pinag-uusapan ang paglusob sa Marawi habang ang plano ay nakalatag sa likod ng isang kalendaryo.

 Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, patunay umano ang naturang video na kailangan ang martial law sa Mindanao.

No comments:

Powered by Blogger.