Ex-mayor Salic isang financier ng Maute-ISIS; Cayamora, mahigpit na binabantayan.

Lumabas sa sinasagawang imbestigasyon ng militar kinumpirma nito na si dating Mayor Fajad Pre Umpar Salic ng Marawi City ay isang taga supporta, financier at taga-bigay ng logistics sa Maute-ISIS group.

Sinabi ni Eastern Mindanao Command deputy commander Brig. Gen. Gilbert Gapay, batay sa kanilang impormasyon, noong nagsisimula pa lamang ang Maute ay tumutulong na si Salic sa pagbibigay ng pera at kagamitan ng grupo.

Samantala, ipinaliwanag din ni Gapay na security concern ang dahilan ng paglilipat sa Metro Manila kay Maute patriarch Cayamora Maute.
Fajad Pre Umpar Salic at Cayamora Maute
Inihayag ni Gapay na bilang pinuno ng angkan, security risk si Cayamora at hindi maiiwasang marami ang magtatangkang itatakas siya.

Si Salic ay naaresto kahapon sa Barangay San Martin, Villanueva, Misamis Oriental dahil sa kinaharap na kasong rebellion sa korte habang si Cayamora ay naaresto sa Davao matapos maharang ang sinakyang van.

No comments:

Powered by Blogger.