Minaliit ng palasyo ang 'Epic failure" na tawag ni Trillanes sa 1st year sa Duterte Administration

Hindi na pinatulan pa ng MalacaƱang ang naging pahayag ni Sen. Antonio Trillanes laban sa unang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y isang “epic failure” o bagsak. Imbes na makipagbangayan kay Trillanes, inisa-isa na lamang ng MalacaƱang ang mga nagawa ng administrasyon sa nakalipas na 12 buwan. 

Nangunguna rito ang maigting na kampanya laban sa iligal na droga at bilyon- bilyong dolyar na investment na naipasok ni Pangulong Duterte sa bansa.
President Rodrigo Duterte

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, sa ilalim din ng kasalukuyang administrasyon naipatupad ang Freedom of Information, gayundin ang paglikha ng Presidential Task Force for Media Protection, ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, at ang mahigpit na gagawing pagpapatupad sa paggamit ng paputok o firecrackers sa pamamagitan ng Executive Order 28. 

Ayon kay Andanar, lahat ng nabanggit ay mabilis na naipatupad sa loob lamang ng isang taon maliban pa ang tuloy-tuloy na pagsisikap ng administrasyong makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng peace talks. Dagdag ni Andanar, marami pang nakalinyang proyekto ang administrasyong may kaugnayan sa economic policy gaya ng “DuterteNomics” at “Build, Build, Build” na mabilis na magkokonekta sa mga tao at lilikha ng napakaraming trabaho.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.