2nd State of the Nation Address o SONA sa kama? Pwede! — Sotto
Tiwala ang dalawang senador na kaalyado ng administrasyon na makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) nito sa Kongreso sa Hulyo 24 sa kabila ng madalang na public appearance nitong mga nagdaang araw.
“Hahaha sobra naman kayo.
Pres. Duterte during His first SONA |
Malakas pa sa kalabaw ‘yung tao!” diin ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III.
“Ang SONA ay isa sa pinakamahalagang event ng isang pangulo. Sigurado ako na naghahanda na ang mga staff and ang Pangulo para dito. Dito siya magre-report sa taong bayan at dito niya ipapakita sa atin ang kanyang vision para sa bansa.
Sigurado ako na dadalo ang ating pangulo,” text naman ni Sen. Sherwin Gatchalian mula sa Germany.
Subalit kung kailangan umano ng Pangulo ang ‘bed rest’ sa araw mismo ng kanyang SONA, binanggit ni Sotto na pwede nang magtalumpati si Duterte kahit nasa kama siya.
“Pwede!” maikling sagot ni Sotto.Kung gagawin ito ng Pangulo, hindi siya ang unang gagawa nito dahil noong 1950, nasa John Hopkins Hospital sa Maryland, USA si dating Pangulong Elpidio Quirino kung kaya’t ang kanyang SONA ay inere na lamang ng live sa radio broadcast.
Loading...
No comments: