PDU30 muling nagpakita sa publiko sa selebrasyon ng Eid'l fitr, humingi ng sorry sa nangyayari sa Marawi
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa Eid’l Fitr celebration kagabi sa Palasyo na dinaluhan ng mga Muslim leaders at iba pang mga opisyal sa pamahalaan.
Sinabi ni Pangulong Duterte, kanyang tinitiyak na walang mangyayaring pag-abuso sa Martial Law at opensiba ng militar laban sa mga terorista partikular sa Marawi City.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya kagustuhan pero kinakailangan nitong sirain ang mga gusaling pinagtataguan ng mga ISIS.
Kasabay nito ang pagtiyak ni Pangulong Duterte na babangon uli ang Marawi bilang maganda at maunlad na lungsod kung saan bubuhusan niya ito ng pondo at kaukulang suporta.
Hinikayat naman ng pangulo ang mga Muslim leaders na huwag papayagang makapasok ang mga terorista sa kanilang mga lugar na tiyak sisira sa kanilang mga buhay at sa susunod pang mga henerasyon.“Fellow Muslims there are beautiful race. Tapos magpasok ng isang bakokang ng ulo, ayun na. Huwag kayong pumayag ng ganun. Even the influential leaders, next time sabihin niyo, “No deal. Do not do that to us.” We will live in peace and we will guarantee peace for the next generation. Sila na rin ang bahala sa kanilang ano…Hindi ninyo kalaban ang gobyerno. There will be no abuses. Huwag ninyong tignan ang gobyerno. Ang kalaban ko lang talaga kasi ‘yung ISIS mahirap hanapin. So I have to destroy the buildings. But I said, I will lend you the money to build taller buildings. Kapag bumalik ‘yang ISIS, bahala na kayo. I can understand I said the fighting in — with the MNLF,” ani Pangulong Duterte.
Loading...
No comments: