Isa sa mga Maute brothers pinaniniwalaang napatay - AFP
Sa isang buwan na pagpatuloy ng operasyon ng militar laban sa mga teroristang grupo na Maute sa Marawi City, Naniniwala si AFP chief of staff General Eduardo Año na patay na ang isa sa mga Maute brothers.
Sinabi nito na maaaring napatay sa pakikipaglaban sa Marawi City si Omarkhayam Maute pero ang kapatid nito na si Abdullah ay buhay pa kasama si Isnilon Hapilon, ang kinikilalang lider ng Islamic State sa Southeast Asia.
Hindi naman binanggit pa ni Año kung kailan napatay si Omar at walang ebidensya siyang naipakita sa kamatayan nito. Kasalukuyan pa rin ang ginagawang beripikasyon ng AFP sa nasabing impormasyon. Una nang naaresto ang patriarch at ina ng mga Maute brothers matapos na maharang sa magkahiwalay na checkpoints.

Loading...
No comments: