Nasa 100% kondisyon na si Pacquiao sa laban kontra kay Horn
Umabot na sa 100 percent ang kondisyon ni eight division world champion Manny Pacquiao para sa nalalapit na laban nila ni Jeff Horn sa Hulyo 2.
Una rito, nasa 10 rounds sa sparring ang ginawa ng fighting senator kahapon, kung saan tig-tatlong rounds sina Pinoy boxer Sonny Katiandagho at Australian na si George Kambosos Jr., habang apat na rounds naman kay Mexican Adrian Young.
Aniya, matapos marating ni Pacquiao ang peak, pababa na ang kanilang training at kinakailangan na lamang nila ito imantine hanggang sa mismong araw ng laban.
Tumanggi naman si Buboy na magbigay ng fearless forecast kaugnay sa Pacquiao-Horn bout.
Ang mahalaga at target lamang umano nila ay umuwing dala pa rin ang korona.
Samantala, nagbigay naman ng ilang detalye si Fernandez kaugnay sa paglipad nila patungong Australia sa Hunyo 24.
Ayon pa rito, kumuha si Pacquiao ng direct flight mula sa GenSan diretso sa Brisbane, Australia.
Sasakay umano ang entourage ng Team Pacquiao sa isang 300-seater plane.
Kaugnay naman sa klima sa nasabing bansa, hindi na umano poproblemahin ng Pinoy ring icon ang pag-a-adjust sa maginaw na panahon.
Ani Fernandez, kahit sa GenSan pa lamang ay ina-adjust na nila ang aircon sa Wild Card Gym sa tuwing papasok si Pacquiao, upang masanay na ang katawan nito sa lamig.

File photo of Pacquiao and trainer Buboy Fernandez |

Loading...
No comments: