Sagot ni Pamatong kay Pres. Duterte: ‘I am not pretending’
Ang tinaguriang “spike boy” na si Atty. Ely Pamatong ay nagpahayag na naman na siya ang lehitimong inihalal na pangulo ng Pilipinas at hindi si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ely Pamatong file photo |
Ito ang sagot ng kontrobersyal na si Pamatong nang mabanggit ni Duterte na mayroon umanong dalawang kampo na naghahanda upang papalit sa puwesto ng pagka-pangulo.
Read: Duterte sa PSG: Si Leni, hindi si Pamatong ang papalit ‘pag namatay ako
Ang video sa ibaba ay ang pagdeklara ni Pamatong na siya ang Pangulo ng bansa.
Sinabi ni Pamatong na kung totoo na nagkunwari itong pangulo ng bansa ay maari umano siya na ipapahuli ni Duterte dahil paglabag ng saligang batas ang kanyang nagawa. Inihayag ng abogado na kung mayroon mang dapat na tawaging peke na presidente ay walang iba kung hindi si Duterte.
Si Pamatong ay makailang beses nang tumakbo bilang pangulo sa mga nakaraang halalan subalit dinis-kuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) dahil nagsaboy ito ng spikes sa pangunahing kalsada ng Maynila noong 2004 elections ng bansa.
Una rito, sinabi ni Duterte na dapat gagawin nito ang nararapat para sa bayan dahil kung mabigo man lamang ito ay mabuti pa na si Pamatong na ang mamamahala sa bansa.
Loading...
No comments: