19 tao patay, 50 tao sugatan sa Ariana Grande concert sa England

Umabot sa 19 na kataong patay habang 50 ang nagtamo ng injury sa nangyaring pagsabog sa concert ng American pop star na si Ariana Grande partikular sa Manchester Arena kinumpirma ng mga otoridad sa London.

“Emergency services are currently responding to reports of an explosion at Manchester Arena. There are a number of confirmed fatalities and others injured. Please AVOID the area as first responders work tirelessly at the scene,” saad ng Greater Manchester Police.

Ayon sa ilang witness, dalawang malakas na pagsabog ang kanilang narinig na pinaniniwalaang mula sa foyer o yaong sa entrance hall ng concert venue.

Sa ngayon ay inaalam pa ang dahilan ng pagsabog pero itinuturing ng North West Counter Terrorism Unit ang insidente na posibleng terroristic attack.

Napag-alaman na pinagbawalan muna ang mga residente sa London na lumapit sa sikat na Manchester Arena na noong una ay biniberipika pa ng pulisya kung talagang tunay na pagsabog ang naganap.




Magkakaiba kasi ang pahayag ng mga fans ng 23-year-old pop star kung saan ang iba ay pinabulaanang may pagsabog, bagkus ay baka mga pumutok lamang daw na lobo at ang malakas na speaker ang narinig.

Isinara rin muna ang mga kalapit na kalsada ng nasabing arena kasabay ng pagdating ng mga police car, ambulansiya, at riot vans.

Isa sa mga nanood ng show ay ang aktres na si Julie Hesmondhalgh

Ang “Bang Bang” hitmaker naman ay sinasabing agad ding umalis sa stage nang magkaroon ng stampede.

Si Ariana ay may comeback concert sa Pilipinas sa buwan ng Agosto ngayong taon.

No comments:

Powered by Blogger.