Philippine Rise ang bagong pangalan ng Benham Rise sa utos ni Pangulong Duterte.

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng Exe­cutive Order no. 25 si Pangulong Rodrigo Du­terte kung saan ay pinalitan ang pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise.

Magugunita na kinilala ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na ang Benham Rise ay bahagi ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.

Philippine Rise from Benham Rise


“The Benham Rise region is subject to the sovereign rights and jurisdiction of the Philippines pursuant to relevant provisions of the 1987 Constitution, national legislation, the UNCLOS and relevant international laws,” nakasaad pa sa EO 25 na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea.

Ang Benham Rise region ay mayroong sukat na tinatayang 24 milyong ektarya sa ilalim ng karagatan na 250 kilometro ang layo sa Silangang bahagi ng Dinapigue, Isabela na nasasakop ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.

Magugunita na inirekomenda ni Agriculture Sec. Manny Piñol kay Pangulong Duterte na palitan ng Philippine Rise ang Benham Rise matapos kilalanin ng UNCLOS na sakop ito ng Pilipinas.

Sinasabing mayaman sa mineral at oil deposits ang tinagurian ding Benham plateau na nais patayuan ng Pa­ngulong Duterte sa Phil Navy ng mga istraktura.

No comments:

Powered by Blogger.