Hapilon buhay; Cayamora Macaraya Maute ay isang finacier at adviser ng Maute group

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malaking bagay para sa kampanyang tapusin ang krisis sa Marawi, ang pagkakadakip kay Cayamora Macaraya Maute. Sabi ng AFP pinaniniwalaan nilang pinaka-ulo ng Maute Group si Cayamora at malaki ang partisipasyon nito bilang Maute patriarch sa lahat ng mga gawaing terorista sa pamumuno ng kanyang dalawang anak na sina Abdullah Romato at Omar Cayam.
Cayamora Macaraya Maute.


Sa kabila ito ng pagtanggi ni Cayamora na may kinalaman siya sa ginagawa ng Maute terror group at depensang hindi nga niya nakakausap ang mga anak.

“Matagal nang involved si Cayamora Maute dito sa Maute-ISIS group na ito, in fact mapera at mayaman ito dahil marami itong kontratang ginawa noong araw, dati rin itong member ng MILF panahon ni Hashim Salamat, itiniwalag dahil nakadispalko ng malaking pera na galing sa funding sa ibang bansa noong araw.” Pahayag ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año

Sinabi rin ngayong umaga ni AFP Spokesman Restituto Padilla, batay sa kanilang hawak na impormasyon, tumatayong financier at adviser ng Maute group si Cayamora.

Ayon kay Gen. Padilla, hindi kapani-paniwala ang pahayag ni Cayamora dahil bilang patriarch ng pamilya at sa kanilang ‘blood ties’ ay sadyang nagtutulungan sila sa lahat ng gawain.
Samantala, naniniwala naman ang AFP na buhay at nasa Marawi City pa si Isnilon Hapilon, ang lider ng Maute terror group at umano’y emir ng ISIS sa Asia region.

Kaya ganun na lamang daw ang pagdepensa ng mga terorista sa kanilang natitirang ‘stronghold’ dahil naroon ang kanilang pinuno.

“Sa amin pong pagkakaalam, malaki ang parte niya dahil sa pag-finance ng mga ginagawa ng Maute at alam naman po natin bilang patriarch, nagbibigay ng direksyon at guidance,” ani Padilla.

No comments:

Powered by Blogger.