Gobyerno ng Qatar, may sapat na suplay ng pagkain
Nananatiling normal ang sitwasyon ng ilang Overseas Filipino Workers o OFWs sa Qatar sa kabila ng pagputol ng diplomatic ties ng pitong bansa.
Ayon sa isang ofw na nasa Qatar, sinabi niya na maayos ang kanilang sitwasyon sa Qatar at wala namang hindi kanais-nais na pangyayari gaya ng kilos protesta at iba pang aktibidad.
Gayunman, inihayag niya na ang ilang mamamayan sa Doha, Qatar ay nagkakaroon na ng panic buying dahil sa pagkalas ng ibang mga bansa.
Idinagdag pa nito na sapat pa naman ang suplay ng kanilang pagkain at wala ring pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa kanilang lugar.
Aniya, nakatanggap na rin sila ng abiso mula sa pamahalaan ng Qatar na nagtitiyak na sapat umano ang suplay ng pagkain sa kanilang bansa kasunod ng hakbang ng ilang Arab countries.
Ganito rin ang inihayag ni Bombo International News Correspondent Jovi Fermin na nasa Qatar.
Aniya, normal ang kanilang sitwasyon at patuloy silang inaabisuhan ng embahada ng Pilipinas.
Matatandaan na ang pagkalas ng pakikipag-ugnayan ng ibang mga bansa ay dahil sa hinalang inusuportahan ng Qatar ang mga teroristang grupo.
Ayon sa DOLE, mahigit limampong libong manggagawang Pinoy ang nagtatrabaho sa Doha, Qatar. at nananatiling nakahanda ang mga opisyal ng Pilipinas kung sakaling lumala pa ang problema sa bansang Qatar para ilikas ang mga pinoy sa lugar.
Ayon sa isang ofw na nasa Qatar, sinabi niya na maayos ang kanilang sitwasyon sa Qatar at wala namang hindi kanais-nais na pangyayari gaya ng kilos protesta at iba pang aktibidad.
Gayunman, inihayag niya na ang ilang mamamayan sa Doha, Qatar ay nagkakaroon na ng panic buying dahil sa pagkalas ng ibang mga bansa.
Idinagdag pa nito na sapat pa naman ang suplay ng kanilang pagkain at wala ring pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa kanilang lugar.
Qatar panic buying |

No comments: