Ex-mayor Salic, Inaresto sa kasong rebellion.

Inaresto ng PNP si Ex-mayor Fajad Pre Umpar Salic sa kasong rebellion na inilabas ng korte, ay naturang pag-aresto ay naganap sa Barangay San Martin, Villanueva, Misamis Oriental.

Sinabi ni PNP regional spokesperson Supt. Lemuel Gonda na mismo ang mga personahetauhan ng Provincial Public Safety Company (PPSC) ng Misamis Oriental Provincial Police Office ang nakahuli kay Salic na sakay ng kanyang kulay puting Ford Ranger na mayroong plaka na PN 1151.

Sa ngayon, naka-kustodiya muna sa pulisya si Salic.


Si Salic ay unang inaakusahan na kabilang umano sa nasa likod nang pag-atake ng mga teroristang Maute at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Marawi City subalit mariing itinanggi niya ang nasabing paratang.

Magugunitang si Salic ay tinambangan rin noon mula sa isang political meeting nang pauwi sa kanyang bahay nitong lungsod taong 2016.

Matagal ng sinubaybayan ang ex-mayor at napag-alamang kabilang rin si Salc na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasangkot sa narcopolitics kung saan napilian noon na boluntaryong sumuko sa tanggapan ng PDEA-10 nitong syudad.

No comments:

Powered by Blogger.