Supplemental Complaint laban kay Pres. Duterte inihain ni Sen. Trillanes, Rep. Alejano sa ICC
Naghain sina Sen. Antonio Trillanes at Magdalo Rep. Gary Alejano ng Supplemental Communication sa International Criminal Court laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kanilang iginiit sa nasabing dokumento na kailangan nang magkaroon ng preliminary examanition hinggil sa martial law declaration ng punong ehikutibo sa buong Mindanao, gayundin sa nangyayaring patayan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Inihain nina Trillanes at Alejano ang 45-pahinang supplemental communication sa The Hague, Netherlands mahigit isang buwan matapos na inihain naman ni Atty. Jude Sabio ang reklamo nito laban kay Pangulong Duterte.
Si Sabio ay abogado ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato.
Magugunita na inakusahan ni Sabio si Pangulong Duterte ng crimes against humanity sa gitna ng war against drugs ng pamahalaan.
Iginiit nina Trillanes at Alejano na matapos maihain ang communication ni Sabio, patuloy pa rin ang pagdanas ng dugo sa Pilipinas, at wala raw “genuine effort” na makikita mula sa gobyerno para imbestigahan ang nasabing mga pagpatay, dahilan para masabi raw na state-sponsored talaga ang mga ito at national policy ni Pangulong Duterte.
Hinimok ng dalawang mambabatas si ICC Prosecutor Fatou Bensouda na magsagawa ng preliminary examiniation sa sitwasyon ng Pilipinas sapagkat hindi naman umano willing ang gobyerno na siyasatin ang mga ito at panagutin ang punong ehikutibo.
Maliban dito, hindi na rin daw maaring gamitin ang impeachment para mapanagot si Pangulong Duterte sa mga krimen na nagawa nito, makaraang ibinasura ito ng Kamara.
“This apparent impunity on the part of the main perpetrator/ accused, President Duterte, is borne by his confidence that he will never be held accountable by the institutions (of checks and balance) since they are also under his control,” bahagi ng reklamo nina Trillanes at Alejano.
Kanilang iginiit sa nasabing dokumento na kailangan nang magkaroon ng preliminary examanition hinggil sa martial law declaration ng punong ehikutibo sa buong Mindanao, gayundin sa nangyayaring patayan sa gitna ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Rep. Gary Alejano at Sen. Antonio Trillanes III |

No comments: