4 miyembro umano ng Maute, napatay matapos tambangan ang convoy ng mga pulis sa Lanao Norte

Tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong katao ang patrol car ng PNP sa Lanao del Norte kahapon, Sabado bandang alas-6:00 ng gabi habang inihahatid nito ang apat na miyembro ng Maute na naaresto noong Biyernes.


Sa report na nakuha ng Bombo Radyo, habang binabaybay ng convoy ng PNP ang boundary ng Baloi at bayan ng Pantar ng bigla na lamang may nagpaputok kung saan nabaril-patay ang apat na miyembro ng Maute.

Isinugod pa sa hospital ang apat pero namatay din ang mga ito.

Nakilala ang apat na namatay na sina: Julkipli Maute alias Jar Maute, aka Abu Basher; Aka Hadji Sulayman; Alan Sulayman at Ala Saba.

Sugatan din sa nasabing insidente ang isang opisyal ng PNP na si C/Insp. William Santos ng CIDG na natamaan sa hita.

Nakatakda sanang i-inquest sa Cagayan de Oro City ang apat na naarestong Maute members dahilan para sila ay ibiniyahe. Ang apat ay tetestigo sana sa pagkahuli ng Maute matriarch na si Ominta Romata Maute alias Farhana ay nagmamantine umano ng koneksiyon sa international terrorists group.

Una nang naaresto ang mga nasabing terorista kasama ang Maute matriarch na umano’y may malaking ugnayan sa international terrorists group.

Samantala, inaalam na rin ng Police Regional Office ng ARMM ang nasabing insidente.

Sa pakikipag-ugnayan naman ng Bombo Radyo kay PRO-ARMM regional police director, C/Supt. Reuben Theodore Sindac sinabi nito na wala pa siyang natatanggap na report ukol dito.

Sa kabilang dako, ganon din sa panig ng AFP inaalam pa rin daw nila ang buong detalye ng nasabing insidente.

No comments:

Powered by Blogger.