5 membro ng Maute patay, high powered firearms nakuha ng AFP sa Lanao Del Sur

Nasa limang miyembro ng teroristang Maute ang nasawi kaugnay sa nagpapatuloy na operasyon ng militar sa bukiring bahagi ng Poona Bayabao, Lanao del Sur.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig/Gen. Restituto Padilla na ang pagkapatay ng limang terorista ay resulta sa impormasyon na nakuha nila mula sa mga sibilyan na ayaw ng kaguluhan sa lugar.
Dozens of high-powered firearms


Inihayag ni Padilla na umaabot na rin sa kanila ang impormasyon na pinasok na ng mga terorista ang pangingikil at pagpatay ng mga sibilyan upang makakuha ng pondo na pantustos ng kanilang operasyon.

Una nang sinabi ni 103rd IB, Philippine Army commander Col. Nixon Fortes na narekober sa pag-iingat ng mga terorista ang tatlong M-14, M-16 na may M203 grenade launcher, recoilles rifle, garand rifle, rocket propelled grenade, improvised explosive devices (IED) at iba’t ibang klase ng mga bala.

No comments:

Powered by Blogger.