Ika-isang taon sa puwesto ni Pres. Duterte mas gustong ecelebrate kasama ang Marawi victims

Ngayong araw ang ika-isang taon na sa puwesto si Pangulong Dutere sa araw na ito (June 30) at mas gusto nitong gunitain ang kanyang unang anibersaryo bilang Chief Executive kapiling ang mga biktima ng giyera sa Marawi City kung papayagan siya ng Presidential Security Group (PSG).
16th Philippine President Rodrigo Roa Duterte
Mula ng maupong Pangulo si Duterte ay sinimulan na nito ang kanyang kampanya laban sa illegal drugs, corruption sa gobyerno at pantay-pantay na pagtrato sa lahat. 

Inilunsad ng Pangulo ang kanyang illegal drug campaign kasama ang pulisya at iba pang law enforcement agency hanggang sa umani naman ito ng batikos mula sa human rights group dahil sa libo-libong napatay sa drug war. Nilinaw naman ni Andanar, aminado si Pangulong Duterte na marami ang namatay sa anti-drug campaign pero hindi govern­ment-sanctioned ang mga ito na ang karamihan ay likha ng away-away na drug syndicate. 

Hindi matatawaran ang mga libo-libong sumukong drug dependents sa gobyerno gayundin ang isinagawang anti-drug ope­rations ng PNP at PDEA. Kasabay nito ay sinibak din ni Duterte ang ilan sa kanyang mga appointees na nasangkot sa anomalya tulad ni NIA administrator Peter Lavina, DILG Sec. Mike Sueno at mahigit 70 tauhan ng LTO na sangkot din sa anomalya.

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.