9 na kaanak ng pamilya Maute hinarang ng mga sundalo sa Maguindanao

Philippine Troops in Marawi
Sa mahigpit na inspection ng militar sa operasyon nila kontra sa mga terror group sa Mindanao, naharang sa detachment ng militar sa probinsya ng Maguindanao ang siyam na mga miyembro ng pamilya Maute.

Nakilala ang mga suspek na sina Alimatar Guro Maute, Apok Pili Maute, Mohamad Ali Maute, Saida Guro Maute, Amiladen Analo Maute, Mislanao Analo, Aisa Kalthum Sacaria at dalawang mga menor de edad.
Ayon kay Maguindanao police provincial director S/Supt. Agustin Tello, naharang ang pamilya Maute sa detachment ng 37th Infantry Battalion Philippine Army sa Barangay Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao habang sakay sila sa isang Toyota Innova na may plakang MEX-811. Nang hiningan ng ID ng mga sundalo ay agad nilang nadiskubre na pawang may apelyidong Maute ang lulan ng sasakyan. 

Agad dinala ang siyam katao sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) sa lungsod ng Cotabato. Sinabi naman ni CIDG-ARMM regional director S/Supt. James Allan Logan na galing ang pamilya Maute sa NBI-Cotabato at kumuha ng NBI clearance.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.