ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)-Maute Group may kondisyon kay Pres. DUterte
Hihinto lamang umano ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria)-Maute Group ang ginawang pag-atake laban sa gobyerno kapag papalayain ng mga otoridad ang mga naaresto nilang kasamahan.
Ito ang inilahad sa Bombo Radyo ng isang survivor na itinago lamang sa pangalang Jaime nang masuwerte siyang nailigtas ng militar mula sa mga kamay ng mga terorista na unang nakahuli sa kanila sa Marawi City, Lanao del Sur.
Sinabi ni Jaime na katunayan ay tinuruan pa sila ng Cebuano speaking ISIS-Maute members kung paano sasabihin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang kagustuhan para mahinto na ang gulo sa Marawi City.
Kuwento pa ni alyas Jaime, maliban sa pagpapalaya kay Engr. Cayamora Maute na nahuli sa Davao City at asawa nito na si Farhana Romato ay nais din nila na maapalis ang mga sundalo na nakabase sa 103rd Infantry Battalion, Philippine Army sa Marawi City. Si Jaime ay isa lamang sa 18 bihag na sibilyan na na-rescue habang ang apat sa kanilang kasamahan ay napugutan ng mga ulo ng mga terorista.
Marawi City Satellite photo |

Loading...
No comments: