Siguridad para kay Duterte hinigpitan ng PSG matapos ang banta ng BIFF

Lalong hinigpitan ang siguridad ng pangulo matapos umatake ang BIFF sa Pigcawayan, Cotabato kaya inihayag ng MalacaƱang na sineseryoso ng gobyerno ang direktang pagbabanta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, lahat ng banta sa seguridad ni Pangulong Duterte ay sineseryoso ng Presidential Security Group (PSG).

President Rodrigo Duterte file photo
Ayon kay Andanar, hindi maiiwasan ang ganitong mga banta sa pangulo at maituturing ngayon bilang ‘uncertain times’ dahil sa gulo sa Marawi City at pagdedeklaara ng Martial Law dahil sa presensya ng ISIS. 

Maliban sa BIFF, nariyan dindaw ang Abu Sayyaf Group (ASG) kaya lahat ng mga posibilidad na mangyari ay tinitingnan at ina-assess mabuti ng PSG. Magugunitang pagkatapos ng pag-atake sa Pigcawayan, North Cotabato, nag-iwan ng mensahe ang BIFF kung saan binantaan si Pangulong Duterte na isusunod na daw siyang patayin kahit saan ito magtago. 

Nananawagan din ng dasal si Andanar para sa kaligtasan ni Pangulong Duterte.

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.