Kumpermado, Pinoy sugatan sa London Tower fire

Iniulat ni Consul General Senen Mangalile na apektado na din ang ilang Pilipino na malapit at nakatira sa Grenfell Tower sa London, matapos itong masunog. 

Ayon kay Mangalile, binilinan ang lahat mga Pilipino na nakatira sa paligid nito, na umalis na muna dahil sa posibilidad na gumuho ang nasusunog na gusali. Dagdag pa nito, may mga Pilipino ding nanunuluyan sa Grenfell Tower at sana ay nasa mabuting kalagayan ang mga ito.


Kanina lamang, napaulat na mayroong 50 katao nang itinakbo sa limang ospital, at mayroon ding bilang ng mga nasawi ngunit hindi pa matukoy ang bilang ng mga ito ganun na din ang kanilang pagkakakilanlan. Umabot naman sa halos 100 miyembro ng advanced paramedics, advanced trauma teams, at mga ambulance crews ang rumisponde upang makatulong. 

Nasa 200 na mga bumbero naman ang rumisponde at hanggang sa mga oras na ito sa London, ay hindi pa rin tuluyang naapula ang apoy, at patuloy pa rin ang paglabas ng itim na usok mula sa gusali.  
Sa ulat ng London Fire Brigade, hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng nasabing sunog 

Inilabas ng official Facebook account ng embahada, sinabi nila na nasa emergency shelters ang mga sugatan. 

 Nagbigay rin sila ng mga numero na maaaring tawagan para sa iba pang impormasyon.



Sa kasalukuyan, mayroon nang naitala ang London Police na anim na nasawi sa sunog.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.