Sa loob ng unang isang taon ng Administrasyong Duterte ay katumbas ng tatlong taon sa nakaraang administrasyon.
Nanindigan ang MalacaƱang na maikukumpara na sa tatlong taong panunungkulan ng nagdaang administrasyon ang nagawa sa unang taon pa lamang ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, nangunguna sa mga nagawa na ng administrasyong Duterte ang giyera kontra sa iligal na droga kung saan libu-libong drug pushers na ang naaresto at na-neutralize.
Ayon kay Andanar, maipagmamalaki rin ang bilyon-bilyong dolyar na halaga ng mga investment sa 21 bansang napuntahan ni Pangulong Duterte sa unang isang taon nito sa puwesto.
Maliban sa investment, kabilang din sa mga unang nagawa ng administrasyon ang iba’t ibang Executive Orders (EOs) na napirmahan ni Pangulong Duterte tulad ng Freedom of Information (FOI), smoking ban at ang firecrackers ban.
Binigyang-diin din ni Andanar na naging mabilis din ang pag-aksyon ng pangulo sa mga problema ng bansa tulad ng “tanim-bala” sa NAIA, pagtugon sa terroristic activities at pagdedeklara ng Martial Law sa buong Mindanao kasunod ng pag-atake ng ISIS-Maute sa Marawi City.
Loading...
No comments: