Leftist groups na Gabriela sinisiraan ang mga sundalo sa isyu ng ‘rape threat’ vs Marawi women

Sa isang buwang sagupaan ng tropa ng gobyerno kontra Maute gruop may mga lumulutang na balitang may grupong sinisiraan ang imahi ng militar na ang tutuo ay walang katutuhanan.

Tahasang kinuwestiyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang motibo ng Gabriela partylist kaugnay sa paglalabas ng report na umano’y pinagbantaan ng mga sundalo ang mga Marawi women na gagahasain sila kung hindi lilikas sa lungsod na nilusob ng ISIS-Maute terror group.

Sa panayam kay AFP Spokesman Restituto Padilla, hindi man lang komonsulta ang makakaliwang grupo sa kanila bago naglabas ng ganitong kaseryosong paratang.
Ayon kay Gen. Padilla, posibleng sinisiraan lamang ng Gabriela ang mga sundalong malugod na tinatanggap sa kanilang ginagawa sa Marawi City at ayaw ng mga makakaliwang lalabas ang kanilang maayos na pagseserbisyo.

Iginiit pa ni Padilla na kung totoo ang nasabing report, sana doon sa social worker na taga-Marawi nagsumbong ang mga kababaihang Maranao kaugnay sa umano’y bantang rape ng sundalo. 

Nakakalungkot daw na 70 sundalo na ang namatay sa giyera laban sa mga terorista ay nagawa pang magpalutang ng ganitong report ang Gabriela na wala namang naipapakitang katibayan. “Alam niyo nakapagtataka nga ito eh. At questionable ang motive ng isinagawang paglabas ng balitang ito ng Gabriela at iba pang kasamahang organisasyon na inilantad itong akusasyon na ito na hindi man lang nagkonsulta sa amin. Kaya’t hindi na min maisip ano ba talaga ang motibasyon ng grupong ito,” ani Padilla
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.