Bulacan massacre suspect may sekretong ayaw ibunyag
1 of the Bulacan Massacre suspect Carmelino Ibanez |
Kumbinsido naman ang naulilang padre de pamilya na si Dexter Carlos na lima ang pumatay sa kanyang biyenan, asawa at tatlong anak.
Naniniwala si Carlos na may pinagtatakpan si Ibanez kaya inako nito ang lahat sa karumal-dumal na krimen at maaaring mayroong nagsulsol dito na aminin ang naturang krimen.
Ayon pa kay Carlos, sa kanyang pagkakaalam, ang suspek ay utos-utusan lamang sa kanilang lugar at hindi lumalaban o nangangatuwiran kahit sinasaktan ng kanyang mga kaanak.
Sinabi pa ni Carlos na isang concerned citizen ang nagsabi sa kanya na lima ang nagmasaker sa kanyang pamilya at dalawa umano sa mga ito ay batid niyang malaki ang pagkakagusto sa kanyang misis na si Estrella. Hindi pa umano pinapangalan ni Ibanez ang dalawang suspek.
Ang suspek na si alyas Tony ay inaresto na ng San Jose del Monte City Police habang tinutugis pa rin ngayon ang ikatlong suspek na si alyas Inggo.
Kasabay nito, nagnegatibo naman sa drug test si Ibanez. Wala umano ni katiting na trace ng methamphetamine hydrochloride na lumabas sa pagsusuri sa kabila ng pag-amin nito na bumatak siya ng shabu bago isagawa ang krimen.
Sa paliwanag ng pulisya, lumilipas ang epekto ng shabu sa loob ng 24-oras kaya nagnegatibo si Ibanez.
Si Ibanez ay sinampahan ng kasong 5 counts of murder at 2 counts of rape at kasalukuyang nakadetine sa San Jose del Monte City police station ngunit nakahiwalay ito ng selda dahil sa posibilidad na saktan at gulpihin ng ibang bilanggo bunga ng kanyang ginawang pagpatay sa limang biktima at idinamay pa ang tatlong magkakapatid na bata.
Nalantad din sa pulisya na may mga nauna nang insidente ng panghihipo ang suspek na si Ibanez.
Minsan na umano itong inireklamo sa kanilang lugar ng panghihipo at pambabastos sa kababaihan tuwing sabog sa droga at lango sa alak.
May record umano sa barangay si Ibanez subalit hindi naman ito napaparusahan dahil hindi na itinutuloy ng complainant ang reklamo.
Loading...
No comments: