Hontiveros, ‘out of touch’ kaya ‘di alam tunay na pagtrato ni Duterte sa kababaihan
Risa Hontiveros file photo |
Reaksyon ito ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa naging assessment ni Sen. Hontiveros na naging mapanganib para bsa mga kababaihan ang unang taong panunungkulan ni Pangulong Duterte.
“Kung talaga pong ano, nakita ng ano… If only the Senator would really look and not just make comments based on prejudgments and kneejerk reactions, I would say that she… we would be in a better place,” ayon kay Abella.
Sinabi ni Abella, hindi alam ng senadora na kahit noon pang mayor ng Davao City si Pangulong Duterte, nagpatupad na ito ng local version ng Reproductive Health Bill kahit bago pa man ito naipasang batas.
Ayon kay Abella, suportado rin ni Pangulong Duterte ang Women’s Code at nilikha nito ang Council for Women na siyang magmo-monitor sa mga karahasan laban sa mga kabaabaihan sa 182 barangay ng lungsod.
Loading...
No comments: