89 foreign terrorists nasa Mindanao 'under validation ayon sa Palasyo

Patuloy umanong nagsasagawa ng validation ang mga otoridad kaugnay sa impormasyong nasa 89 foreign terrorists na ang nakapasok sa bansa at kasalukuyang nasa Mindanao.
Mga sundalo at sibilyan

Hindi lang 40 kundi tinatayang 89 dayuhang terorista umano ang nasa Mindanao kabilang ang 28 Indonesians, 26 Pakistani, 21 Malaysians, 4 Arabs, 1 Indian-Singaporean at tatlong Bangladeshi.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, posibleng nakapasok sa bansa ang mga nasabing foreign terrorists sa pamamagitan ng backdoor mula Malaysia o Indonesia. Ayon kay Abella, ito ang dahilan kaya puspusan ang ginagawang pagsisikap laban sa terorismo sa pamamagitan ng trilateral cooperation sa Indonesia at Malaysia.

Naniniwala ang opisyal na malaking hakbang ang pagkakalagda ng isang kasunduan sa dalawang bansa para bumuo at magpatupad ng counter-terrorism measures and strategies sa layuning maiwasan ang terrorist attacks sa rehiyon sa hinaharap. “Authorities are still validating the report that 89 suspected foreign fighters are in Mindanao.

They might have entered the Philippines via the backdoor where the point of entry is Mindanao via Indonesia or Malaysia. This is the purpose why we are making a collective effort against terrorism and violent extremism through a trilateral cooperation with Indonesia and Malaysia. We have agreed to work together to jointly develop and implement counter-terrorism measures and strategies to prevent future terrorist attacks in the region,” ani Abella.

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.