Fr. Chito Suganob buhay pa, Nasa 100 hostages ang hawak ng Maute
Naglabas ng pahayag ang militar na buhay pa ang paring si Fr. Chito Suganob at nasa 100 hostages pa ang hawak ng Maute group sa Marawi City.
Sinabi ngayong umaga ni Joint Tak Force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera, batay ito sa pahayag ng 13 sibilyang na-rescue kahapon mula sa posisyon ng mga terorista.
Ayon kay Herrera, dito rin nila nalamang buhay pa si Fr. Chito Suganob, isa sa mga hawak na bihag ng Maute. Inihayag ni Herrera na nananatiling apat na barangay pa ang kasalukuyang hawak ng Maute dahil pahirapan ang clearing operations ng militar sa bawat bahay lalo sa mga itinanim na mga improvised explosive device (IED).
Maliban sa IED, gumagamit din daw ang mga terorista ng molotov o kaya tinatawag na ‘cocktail bomb’ na kung sumabog ay sunog ang buong bahay para maantala ang pag-abante ng mga sundalo. Inihayag naman ni Herrera na tuloy ang kanilang operasyon kahit sa Pista ng Ramadan o Eid’l Ftr sa June 26 at wala din silang itinatakdang deadline para tapusin ang krisis.
Fr. Chito Suganob hostage ng Maute |

Loading...
No comments: