High-grade shabu aabot sa P250 milyon ang halaga narekober sa pinagtataguan ng Maute sa Marawi

Sa pagpatuloy ng opensiba ng tropa ng gobyerno kontra sa mga teroristang Maute gruop sa Marawi nakakuha ang mga awtoridad ng 11 kilo ng shabu sa isinagawang clearing operation sa lungsod ng Marawi.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, ang halaga ng shabu ay aabot sa P100 milyon hanggang P250 milyon na “high-grade” shabu.
High grade shabu

"According to research, shabu prices ranges from P1,300 per gram wholesale up to P25,000 per gram on the streets. If the price will be pegged at mid-level range of P10,000 the amount of 11 kilograms is P110 million which put the estimated street value for high-grade shabu between P100 million to P250 million," pahayag ni AFP 1st Infantry Division spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera ngayong Lunes. 

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng ilegal na droga ang mga awtoridad sa pinagkukutaan ng mga miyembro ng Maute group at Abu Sayyaf ngunit ngayon ang pinakamarami. Magugunitang sinabi na rin ni Presidente Rodrigo Duterte na drug lords ang nasa likod ng mga ginawa na pagkilos ng Maute group simula noong Mayo 23 sa Marawi City.

"This strengthens our findings that these terrorists are using illegal drugs," dagdag ni Herrera.
Bukod sa ilegal na droga, nakakuha rin ang mga sundalo ng matataas na kalibre ng mga armas. 

Iniulat naman ni Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., na ang narekober na shabu ay ang pinakamalaki mula ng sumiklab ang kaguluhan.
 

"Last Saturday, our troops on ground zero were able to seize a sizable arms cache from the area of operation and the number of firearms numbering more than 20, if I recall, and these are not ordinary firearms but high-powered firearms," wika naman ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla.

Hindi pa rin tapos ang kaguluhan sa Marawi na halos mag-iisang buwan na. Dahil sa pag-atake ng mga armadong grupo ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mindanao sa martial law.

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.