Naulilang ina ng pinatay na si Mayor Boniel di pa rin alam ang sinapit ng anak.
Humingi ng suporta sa mga kamag-anak ng napatay na Mayor na si Gisela Bendong Boniel ang matalik na kaibigan na si Angela Leyson.
Si Angela ay siyang kasama ni Mayor Gisela noong mangyari ang insidente ng pagkidnap at pagpatay sa alkalde noong Hunyo 7 ng madaling araw.
Ayon kay Angela, tubong Iligan City si Mayor Gisela at nandoon ngayon ang buong pamilya nito.
Kailangan daw niya ang tulong para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang kaibigan.
Hindi rin umano alam ni Angela kung paano ipapaalam sa ina ni Mayor Giselda ang sinapit ng kanyang kaibigan lalo na at nakaratay nalang ito dahil sa malubhang karamdaman.
Samantala, inamin naman ni Angela na bago pa nangyari ang insidente ay nagdesisyon na si Mayor Gisela na mag-resign bilang alkalde sa lungsod ng Bien Unido at bumalik na lamang sa pagiging piloto.
Ito’y matapos umanong malaman ni Mayor Gisela na maraming anomaliya sa iniwang posisyon ng asawa nitong si Board Member Rey Nino Boniel.
Ayon pa kay Angela, wala talaga sa plano ni Mayor Giselda na pumasok sa politika ngunit pinilit lamang ito ni Board member Boniel upang mayroong papalit sa iniwang puwesto.
Inaayos na rin umano ni Mayor Boniel ang annulment papers nito dahil gusto na nitong makipaghiwalay sa kanyang asawa.
Napag-alaman na nabiyaan ng apat na taong gulang na anak na lalaki ang mag-asawang Boniel matapos ikasal noong 2013.

Loading...
No comments: