PSupt. Marcos pinayagan ng korte makapagpiyansa, Nakalaya

Nakalaya na si PSupt. Marvin Marcos, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8 (CIDG-8), matapos na makapagpiyansa.
PSupt. Marvin Marcos file photo

Ito ay matapos ma-downgrade ang kasong isinampa dito kasama ang walong iba pa mula murder ay naging homicide lamang. Ayon kay CIDG Region-8 deputy chief Inspector Teodolo Armada, na nakalabas na si Marcos matapos na payagan ng korte na maghain ito ng piyansa.

Magugunitang naglabas ng resolusyon ang Department of Justice noong Mayo 29, 2017 na nagbabasura sa two counts of murder sa mga miyembro ng CIDG-8 na pinangungunahan ni Marcos at sa halip ay nadowngrade ito sa homicide na mas mababa at bailable.
Matatandaan na idinawit si Marcos at mga kasamahan nito sa pagpaslang kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa at Raul Yap na nakapiit noon dahil sa iligal na droga noong Nobyembre 5, 2016.

Loading...

No comments:

Powered by Blogger.