13 Pinoy Marines panibagong nasawi kasama na ang team leader na nakadiskubre ng P97-M
Labis na ikinalungkot ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nalagasan na naman sila ng 13 kasapi mula sa Philippine Marines at 51 ang sugatan sa labing anim na oras na engkuwentro laban sa natitirang mga teroristang Maute sa Marawi City, Lanao del Sur.
Video credit to GMA News
Sinabi ni 1st Infantry Division Philippine Army spokesperson Lt. Col. Jo-ar Herrera, ang pagkasawi ng mga sundalo ay habang nasa kasagsagan sila na mailigtas ang mga na-trap na mga sibilyan. Nagkaroon ng matinding bakbakan ang mga tauhan ng marine battalion landing team 5 at 7 laban sa hindi mabilang na miyembro ng Maute sa Barangay Lilod, Madaya.
Pag-amin pa ni Herrera, hirap ang kanilang ground troops na matukoy ang lokasyon na pinagtaguan ng Maute snipers kaya dagdag na mga sundalo ang nagbuwis ng buhay.
Una nang lumabas ang mga ulat na kabilang sa mga namatay na miyembro ng Philippine Marines ay ang team leader na nakadiskubre ng P97 milyon na kinabibilangan ng cash money at tseke sa bahay na unang pinagtaguan ng mga terorista sa Marawi City.
Sinasabing nasa “finishing touches” na sana ang tropa ng gobyerno sa natitirang mga terorista upang tuluyang maideklara ang kalayaan ng lungsod sa mismong Independence Day celebration sa Hunyo 12, 2017.
Samantala inamin ng militar na umabot nasa 58 ang tropa ng pamahalaan na nasawi sa bakbakan.
Inaalam pa kung ilan ang mga nalakas sa tropa ng terorista at ang nasabing kabilang na sa nasawi din sa engkwentro ang magkapatid Abdullah at Omar Maute.
At kinumpirma ng opisyal na hindi pa nakakalabas ng Marawi ang itinuturing na Emir ng ISIS sa bansa na si Isnilon Hapilon.

No comments: