Marawi City umaalingasaw ang amoy na patay na mga tao.
Umaalingasaw ngayon ang amoy patay na tao sa Marawi City dahil nagkalat ang mga nabubulok na bangkay ng mga nasawi sa bakbakan ng mga militar at mga Maute Group.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, matindi na ang alingasaw ng amoy na posibleng galing sa mga napatay na terorista at nadamay na sibilyan noon pang unang lusubin ng Maute Group ang Marawi City.
Tinukoy ng militar ang buong Barangay Bangolo sa Marawi City kung saan nangangamoy patay na umano dahil sa mga hindi pa narerekober na bangkay.
“Totoo po `yun kaya nga po dun sa aking binanggit isa po `yan sa mga pakay na dapat pagtuunan ng pansin ng ating mga tropa upang magbigay daan dun sa recovery ng mga naiiwang cadaver,” wika ni Padilla.
Sinabi ni Padilla na isa sa mga prayoridad ng militar sa ngayon ay ang pagrekober sa mga bangkay para na rin makilala ang mga ito.
Sinasabing ang Barangay Bangolo na lamang ang isa sa tatlong lugar sa Marawi City na kontrolado ng Maute Group at pinagsisikapan ito ngayon ng mga tropa ng pamahalaan na ma-clear upang tuluyan nang matapos ang kaguluhan.

Philippine scout rangers in Marawi City |

No comments: