Arestado 3 foreign ISIS nagtangkang pumasok sa Pilipinas para e-rescue ang mga Maute

Tatlong foreign terro­rists ang nagtatangkang pumasok sa Pilipinas na hinihinalang miyem­bro ng ISIS ang naaresto sa Sandakan, Sabah, Malaysia nitong Biyernes para sumaklolo sa Maute terror group sa Marawi City. 
Philippine Troops in Marawi City

Sa phone interview, sinabi ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng AFP Western Mindanao Command, na ipinarating na sa kanila ni Inspector General Police Khalid Abu Bakar ang pagkakaaresto sa mga dayuhang ISIS ng Sandakan Police sa Malaysia. 

Kabilang sa mga na­aresto ay dalawang Sabah terrorists at dalawang Indonesians na sa interogasyon ay nabatid na tutungo sa Marawi City para tumulong sa Maute na nakabakbakan ng tropa ng militar. ‘We have a good tripartite agreement in cross border patrols with our Indonesian and Malaysian counterpart and it’s working,” pahayag ni Galvez matapos maharang at maaresto ang nasabing mga terorista. Sinabi ni Galvez na inalerto na niya ang Philippine Navy na mahigpit na nagbabantay sa mga coastline at pinaigting na rin ang maritime patrol upang mapigilan ang mga terorista na makapasok sa Eastern Mindanao. 
Marawi City airstrike

Sa katunayan, 58 ba­yan sa Eastern Mindanao ay nagpapatupad ng curfew hours at total gun ban. Samantala, isa-isa nang darakpin ang mahigit 300 personalidad na sabit sa rebelyon sa Marawi City kaugnay ng Martial Law sa buong Mindanao. 

 Ayon kay Brig. Gen. Gilbert Gapay, AFP spokesman ng Eastern Mindanao Command, nasa walong indibidwal na ang nasasakote na inis­yuhan ng arrest order ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, administrator ng Martial Law. Nauna nang naaresto si Cayamora Maute, ama ng magkapatid na Omar at Abdullah Maute na nasukol kasama ang pamilya nito sa checkpoint sa Toril District sa Davao City noong Hunyo 6. Arestado rin si dating Marawi City Mayor Fajad Salic na itinuro namang supporter ng Maute terrorists. 

Sa Iligan City ay may 20 kabahayan ang kinatok ng mga awtoridad sa gitna na rin ng mga ulat na nagsitakas at nagsisipagtago na umano ang Maute sa Iligan at Cagayan de Oro City. Gayunman, wala ni isa mang miyembro ng Maute ang nahuli. Nag-iinspeksyon na rin sila sa mga evacuation centers sa Iligan City upang alamin kung may Maute na nagpapanggap na mga nagsilikas na residente. Ang Iligan City ay nasa 37 kilometro lamang o nasa isang oras ang biyahe mula sa Marawi City.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.