P50-B ang target na pondo ni Pres. Duterte sa mga anak ng mga sundalo

Bago magtapos ang termino ni Pres. Duterte sa taong 2022 pinangako niya na makakatanggap ng P50 billion na pondo para sa anak ng mga sundalo.

Ayon sa Pangulo, ang naturang halaga ay gagamitin para sa edukasyon ng mga anak ng mga government servicemen.
Talk to the troops

Ito ang inihayag ni Duterte kasabay ng kanyang pagbisita sa 4th Infantry Division Advance Command post sa Bancasi, Butuan City.

Kasabay nito, ipinangako rin ni Duterte ang kanyang suporta sa lahat ng mga sundalong Pinoy. Dagdag niya, ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon ay ide-dedicate sa pamilya ng mga sundalo. “Sabi ko nga noon sa inyo, I will try to see that mga anak ninyo… buhay o patay, there will be money to support all your children to school. Ngayon ang sinabi ko, looking for that billion, meron na akong na-target na P20 billion, pagka-alis ko sa gobyerno na ‘to, if I can have P50 billion, trust fund… bangko ang magpatakbo.That could suffice all your children, ‘wag lang galawin, ‘wag lang bastusin. That would be enough to sustain the education of your children. I promise you, I will have that P50 billion before I step down as President,” wika ng pangulo.
Loading...

No comments:

Powered by Blogger.