Dahil sa toxic gas, 2 Pinoy seafarers patay
Nakakatungkot na balita, dalawang Filipino seafarers ang iniulat na nasawi habang sakay ng isang barko patungo sa Gangavaram Port sa Visakhapatnam sa India.
Sa ulat, kinilala ang nasabing mga Pinoy seafarers na sina Jamisola Antonio Idulfa at Cejudo Gerard Centino na natagpuang wala nang buhay habang nasa loob ng coal compartment ng MV Iolocs Genesis noong Hunyo 2 o ilang araw matapos umalis ito sa Singapore.
Sinabi ng tagapagsalita ng Gangavaram Port nasawi ang biktimang si Idulfa dahil sa asphyxiation kung saan pinaniniwalaang nakalanghap ito ng nakalalasong gas nang pumasok sa coal cabin ng barko.
Tinangka namang saklolohan ni Centino si Idulfa mula sa loob ng coal cabin subalit nabigo ito bago pa man makalapit sa huli.
Ipinaalaam ng MV Iolocs Genesis sa mga awtoridad ang nangyari sa dalawang Pinoy seafarers nang dumating ang mga ito sa Gangavaram Port.
Sa ulat naman ng Deccan Chronicle, dinala ang labi ng mga biktima sa Singapore noong araw ng Miyerkules matapos isailalim sa awtopsiya.

Loading...
No comments: